Tuesday, July 12, 2022

Optimistiko

OPTIMISTIKO
tula ni Hazim Hikmet
malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.

noong bata pa'y di niya binunot ang pakpak ng mga langaw
di rin siya nagtali ng lata sa buntot ng mga pusa
o nagsilid ng salagubang sa mga kahon ng posporo
o dumapa sa umbok na punso
siya'y lumaki na
at lahat ng bagay na iyon ay pinaggagawa sa kanya
nasa tabi ako ng kanyang kama nang siya'y mamatay
sabi niya'y babasahan ako ng tula
tungkol sa araw at sa dagat
tungkol sa mga reaktor ng nukleyar at satelayt
tungkol sa kadakilaan ng sangkatauhan

* Isinalin: Hulyo 12, 2022

OPTIMISTIC MAN
poem by Nazim Hikmet

as a child he never plucked the wings off flies
he didn't tie tin cans to cats' tails
or lock beetles in matchboxes
or stomp anthills
he grew up
and all those things were done to him
I was at his bedside when he died
he said read me a poem
about the sun and the sea
about nuclear reactors and satellites
about the greatness of humanity

Monday, June 20, 2022

Apat na lalaki, apat na bote

APAT NA LALAKI, APAT NA BOTE
tula ni Nâzım Hikmet Ran
malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.

Isang bilog

         na papag.
Apat na bote.
Apat na lalaki
at apat na baso ng alak -

                   Médoc.

Sa mga kopita

                 may alak,

                 walang alak,

                 may alak,
Apat na lalaki ang tumatagay.

Isang bote na’y walang laman.
Isang lalaki ang nagsalita:
- Bukas

             Aayusin ko ang usapin

             nang matindi.

Walang sinayang na salita -

              ang lalaki'y

              dapat mabitay.

Tatlong bote na’y walang laman.
Tumugon ang tatlong lalaki,
Tumugon ang tatlong bibig:
- Oo naman

             ang lalaki

             ay mabibitay.

Isang bilog

            na papag,
apat na basong walang laman

            at apat na lalaki...

* isinalin ng Hunyo 20, 2022


Four Men, Four Bottles
by Nâzım Hikmet Ran

A round

        table.
Four bottles.
Four men
and four glasses of wine -

                  Médoc.

In the glasses

                there is wine,

                there is no wine,

                there is wine,
Four men are drinking.

One bottle is empty.
One man speaks:
- Tomorrow

            I settle the matter

            with a bang.

No words wasted -

             the man

             must hang.

Three bottles are empty.
Three men answer,
three mouths answer:
- Certainly

            the man

            will hang.

A round

           table,
four empty glasses

           and four men...

Thursday, June 16, 2022

Ang mukha ng ating kababaihan

Ang Mukha Ng Ating Kababaihan
tula ni Nâzım Hikmet Ran
malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.

Hindi isinilang ni Maria ang Diyos.
Hindi si Maria ang ina ng Diyos.
Isang nanay lang si Maria sa maraming ina.
Isinilang ni Maria ang isang lalaki,
isang anak sa marami pang mga anak.
Kaya naman napakarikit ni Maria sa lahat ng kanyang larawan.
Kaya naman napakalapit ng anak ni Maria sa atin, tulad ng sarili nating mga anak.

Ang mukha ng ating mga kababaihan ang aklat ng ating pasakit.
Ang ating pasakit, ang ating pagkakamali at ang ating dugong ibinubo
na nag-ukit ng mga pilat na tila araro sa mukha ng ating kababaihan.

At makikita ang ating kagalakan sa mga mata ng kababaihan
tulad ng bukangliwayway na nagniningning sa mga lawa.

Ang ating haraya ay nasa mukha ng mga babaeng mahal natin.
Makita man natin sila o hindi, sila'y nasa ating harapan,

na pinakamalapit sa ating reyalidad at pinakamalayo.

* isinalin 06.16.2022
* litrato mula sa google
* tula mula sa Nâzım Hikmet Archive

The Faces of Our Women
by Nâzım Hikmet Ran

Mary didn't give birth to God.
Mary isn't the mother of God.
Mary is one mother among many mothers.
Mary gave birth to a son,
a son among many sons.
That's why Mary is so beautiful in all the pictures of her.
That's why Mary's son is so close to us, like our own sons.

The faces of our women are the book of our pains.
Our pains, our faults and the blood we shed
carve scars on the faces of our women like plows.

And our joys are reflected in the eyes of women
like the dawns glowing on the lakes.

Our imaginations are on the faces of women we love.
Whether we see them or not, they are before us,

closest to our realities and furthest.

Monday, June 13, 2022

Pakiusap

PAKIUSAP
ni Nâzım Hikmet
malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.

Hugis ulo ng buriko ang bansang ito

Na dumatal ng kaytulin mula sa malayong Asya

Upang mahatak tungo sa Mediterranean

ATIN ANG BANSANG ITO.

Mga pulsong duguan, ngiping nagngangalit

talampakang walang gayak,

Lupaing tulad ng alpombrang sutla

ANG IMPYERNONG ITO, ANG PARAISONG ITO'Y ATIN.

Hayaang nakapinid ang mga pintuang pag-aari ng iba

Huwag na nilang buksan pa itong muli

Alisin ang pagkaalipin ng tao ng tao

ATIN ANG PAKIUSAP NA ITO.

Upang mabuhay! Tulad ng punong nag-iisa at malaya

Tulad ng gubat sa pagkakapatiran

ATIN ANG PAGNANASANG ITO.

* isinalin sa petsang 06.13.2022
* hinalaw mula sa kawing na https://www.marxists.org/subject/art/literature/nazim/plea.html
* litrato mula sa google
.
.
.
PLEA
by Nazim Hikmet

This country shaped like the head of a mare

Coming full gallop from far off Asia

To stretch into the Mediterranean

THIS COUNTRY IS OURS.

Bloody wrists, clenched teeth

bare feet,

Land like a precious silk carpet

THIS HELL, THIS PARADISE IS OURS.

Let the doors be shut that belong to others

Let them never open again

Do away with the enslaving of man by man

THIS PLEA IS OURS.

To live! Like a tree alone and free

Like a forest in brotherhood

THIS YEARNING IS OURS.

Wednesday, June 8, 2022

Tagulaylay sa buhay

TAGULAYLAY SA BUHAY
ni Nâzım Hikmet (kinatha noong 1937)
malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
(pantigang anim, labindalawa’t labingwaluhin)

Nalalaglag na buhok sa iyong noo’y

      biglang iniangat.

Biglang may kung anong gumalaw sa lupa.

Nagbulung-bulungan yaong mga puno

      doon sa karimlan.

Ang mga bisig mo’y magiging malamig.

Sa may kalayuan

kung saan ay hindi tayo makakita,

  ang buwan marahil ay papasikat na.

At hindi pa tayo nararating nito,

dumudulas yaon sa maraming dahon

  upang pagaanin ang iyong balikat.

Datapwat batid ko

  iihip ang hangin kasabay ng buwan.

Nagbulung-bulungan yaong mga puno.

Ang mga bisig mo’y magiging malamig.

Mula sa itaas,

at mula sa sangang nawala sa dilim,

    may kung anong nahulog sa talampakan mo.

Ikaw ay umipod palapit sa akin.

Sa iwi kong palad yaong iyong laman
     ay tila malabong balat niyong prutas.

Ni awit ng puso o "sentido komon"-

bago yaong puno, ibon, at kulisap,

kamay ko sa laman ng aking asawa 

    wari’y nag-iisip.

Ngayong gabi naman ang kamay kong iwi

    ay di makabasa o makapagsulat.

Ni yaong umibig o di umiibig…

Iyon yaong dila ng tigre sa bukal,

        ang dahon ng ubas,

        ang paa ng lobo.

Gumalaw, huminga, kumain, uminom.

Para bagang binhi ang kamay kong iwi

    sa kailaliman ay naghati-hati .

Ni awit ng puso o "sentido komon,”

Ni yaong umibig o di umiibig…

Inisip ng kamay kong ang laman niring

      asawa ko’y kamay niyong unang tao.

Kapara ng ugat na hanap ay tubig sa kailaliman,

Aniya sa akin:

"Kumain, uminom, malamig, mainit, laban, amoy, kulay-

hindi ang mabuhay para lang mamatay

kundi ang mamatay nang upang mabuhay..."

Sa kasalukuyan

pag humampas yaong pulang buhok ng babae sa mukha ko,

habang may kung anong gumalaw sa lupa,

habang mga puno’y bulungan sa dilim,

at habang ang buwan sa malayo’y nikat

        kung saan ay hindi natin nakikita,

ang kamay ko sa laman ng asawa ko

bago yaong puno, ibon, at kulisap,

Ibig ko’y yaong karapatan sa buhay,

ng tigre sa bukal, ng binhing nahati-

      Nais ko’y karapatan ng unang tao.

* Isinalin: ika-8 ng Hunyo, 2022
* Tula mula sa: https://www.marxists.org/subject/art/literature/nazim/hymntolife.html

Hymn to Life
by Nâzım Hikmet

The hair falling on your forehead

      suddenly lifted.

Suddenly something stirred on the ground.

The trees are whispering

      in the dark.

Your bare arms will be cold.

Far off

where we can't see,

  the moon must be rising.

It hasn't reached us yet,

slipping through the leaves

  to light up your shoulder.

But I know

  a wind comes up with the moon.

The trees are whispering.

Your bare arms will be cold.

From above,

from the branches lost in the dark,

    something dropped at your feet.

You moved closer to me.

Under my hand your bare flesh is like the fuzzy skin of a fruit.

Neither a song of the heart nor "common sense"-

before the trees, birds, and insects,

my hand on my wife's flesh

    is thinking.

Tonight my hand

    can't read or write.

Neither loving nor unloving...

It's the tongue of a leopard at a spring,

        a grape leaf,

        a wolf's paw.

To move, breathe, eat, drink.

My hand is like a seed

    splitting open underground.

Neither a song of the heart nor "common sense,"

neither loving nor unloving.

My hand thinking on my wife's flesh

      is the hand of the first man.

Like a root that finds water underground,

it says to me:

"To eat, drink, cold, hot, struggle, smell, color-

not to live in order to die

but to die to live..."

And now

as red female hair blows across my face,

as something stirs on the ground,

as the trees whisper in the dark,

and as the moon rises far off

    where we can't see,

my hand on my wife's flesh

before the trees, birds, and insects,

I want the right of life,

of the leopard at the spring, of the seed splitting open-

      I want the right of the first man.

Saturday, June 4, 2022

Ang leyon sa hawlang bakal

ANG LEYON SA HAWLANG BAKAL
ni Nâzım Hikmet, kinatha noong 1928
malayang salin mula sa Ingles
ni Gregorio V. Bituin Jr.

Pagmasdan mo ang leyon sa hawlang bakal,

ang kanyang mga mata't tingni ng kaylalim:

              tila dalawang hubad na bakal na balaraw

              kumikinang sila sa galit.

Ngunit hindi siya nawawalan ng dangal

              bagama't ang kanyang galit

                     ay paroo’t parito

                              parito’t paroon.

Hindi ka makahanap ng lugar para sa tubong

na nakapaikot sa makapal at mabalahibong kiling.

Bagaman ang mga pilat ng pagpalo

        ay nakabakat pa rin sa dilawan niyang likod

ang kanyang mahahabang binti’y

           nababanat at ang dulo

        sa hugis ng dalawang tansong kuko.

Isa-isang nagtaasan ang mga balahibo sa kanyang kiling

                 na nakapalibot sa palalo niyang ulo.

Ang kanyang poot

        ay paroo’t parito

                 parito’t paroon…

Ang anino ng kapatid ko sa dingding ng piitan

       ay gumagalaw

              nang pataas at pababa

                        nang pataas at pababa.

06.05.2022

Talasalitaan:
tubong - collar, tali sa leeg ng hayop, mula sa UP Diksiyonaryong Filipino, pahina 1281
killing - mane, salin mula sa English-Tagalog Dictionary ni Fr. James English, pahina 592

* tula mula sa https://www.marxists.org/subject/art/literature/nazim/lion.html

Lion in an Iron Cage
by Nâzım Hikmet Ran

Look at the lion in the iron cage,

look deep into his eyes:

             like two naked steel daggers

             they sparkle with anger.

But he never loses his dignity

             although his anger

                    comes and goes

                             goes and comes.

You couldn't find a place for a collar

round his thick, furry mane.

Although the scars of a whip

       still burn on his yellow back

his long legs

          stretch and end

       in the shape of two copper claws.

The hairs on his mane rise one by one

                around his proud head.

His hatred

       comes and goes

                goes and comes ...

The shadow of my brother on the wall of the dungeon

      moves

             up and down

                       up and down.

Optimistiko

OPTIMISTIKO tula ni Hazim Hikmet malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr. noong bata pa'y di niya binunot ang pakpak ng mga langaw di ri...